Rest to Jesus. |
Sobrang pagod.
Yan ang nararamdaman ngayon ng maraming tao.
SOOOOBRANG. PAGOOOOD.
Hindi lamang ng kanilang buong katawan, kundi nang kanilang buong pagkatao (isip, kaluluwa o emosyon, at puso). Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit maraming tao ngayon ang nahahatid sa tinatawag na drepression at nahahantong sa pagkitil nila ng kanilang buhay.
Nakakalungkot.
Nakakatakot.
Oo, hindi na ito mapagilan. Ito ay isa na sa mga sakit ng maraming tao.
BAKIT KAYA NAHAHATID ANG TAO SA GANITONG KALAGAYAN?
Aminin natin na malaki ang naging bahagi natin sa totoong kalagayan natin sa kasalukuyan. Oo, walang ibang sisisihin kundi tayo din. Wala tayong maituturo sa kung bakit ganito ang kalagayan natin ngayon.
Lahat ng kamay natin ay nakaturo din saatin. Lahat ng sisi na nasa isip natin na binabato natin sa iba ay hindi kasalanan ninoman, kundi lahat ng ito ay saatin din.
Lahat ng nangyayari saiyo ay bunga ng iyong naging desisyon. Maaaring masabi mong "Nakinig kasi ako kay..."Nabasa ko kasi sa turo ni..." "Narinig ko kasi kay Pastor..." GAYUNPAMAN... ANG HULING DESISYON AY SAYO, WALA NG IBA!
Marami saatin ang nagiging Adan tinuturo ang sinoman para lamang may pagbalingan tayo ng ating kalagayan. Na sa Katotohanan, HINDI LAMANG NATIN MAAMIN SA ATING SARILI ANG PAGKAKASALANAG NAGAWA NATIN SA ATING SARILI DIN.
NAPAGOD KA, HINDI DAHIL SA SINOMAN NA NAGIGING DAHILAN MO, KUNDI NAPAGOD KA DAHIL ITO ANG PINILI MONG GAWIN AT MARAMDAMAN.
Teka, ano bang pagod ang sinasabi ko? ang pagod na sinasabi ko ay pagod namababasa natin sa Mga Awit 55:22 "BURDEN" o PASAN
PASAN
Ang salitang PASAN ay hindi na bago saatin lalo na sa kanila na totoo namang dinidibdib ang lahat ng bagay na nakakapangyari sa kanilang buhay. Naalala ko nung bata pa ko, hindi ako namomoblema sa maraming bagay aral at paglilinis lang inaatupag namin. Sa totoo lang ang pasan lang na dala-dala ko ay kung papaano mag-aaral ng tama.
Ngunit sa panahon ngayon, ang pasan ay totoong buhay sa lahat ng tao. Hindi na pag-uusapan ang edad, dahil ang pasan ay nararanasan na kahit ng mga bata.
Marami ngayon ang nagiisip na wala silang halaga at karamihan ay nahahatid sa pagkakamatay.
Nakakalungkot. Nakakatakot.
Ang Pasan na aking sinasabi ay pasan na nakakapangyari sa ating paligid. Ito ma'y sa school, trabaho, personal, pangpamilya, at sa mga katulad nito na naghahatid saaiyo upang mapagod.
Ang pagod na ito ay hindi pagod na nangangailangan ng patulog o pagupo. Ang pagod na ito ay pagod na ihaatid ka sa masamang kalagayan ng buhay mo.
Oo, sa masamang kalagayan ng buhay mo, na kahit ikaw ay hindi mo maasahang mangyayari ito sayo.
BAKIT KO NASABING DADALHIN KA NITO SA MASAMANG KALAGAYAN?
1. IKAW AY MAKAPAGDEDESISYON NANG PABIGLA-BIGLA.
2. IKAW AY GAGAWA NG ISANG AKSYON NA PAGSISISIHAN MO SA HULI.
3. IHAHATID KA NITO UPANG SISIHIN ANG DIOS.
4. IHAHATID KA NITO UPANG HUWAG TAPUSIN ANOMANG IYONG NASIMULAN.
5. PAGKAYAMOT SA IYONG SARILI.
MULI, ANG PAGOD NA AKING SINASABI AY PAGOD NG BUO NATING PAGKATAO.
May mabuti bang mapapala ang sinomang pagod dahil sa pasan na mayroon siya? Wala, hindi ba?
Naalala ko si Elias nang nagtago siya sa kweba pagkatapos na pagkatapos na malaking pagtatagumpay laban sa propeta ni Baal.
Makikita natin na tila baga na takot si Elias nung siya ay nagtago sa kweba, dahil ang mga Propeta ng Dios sa kaniyang panahon ay totoong pinapapatay ni Reyna Jezabel.
Ngunit sa kabilang banda, kung titignan natin ang kaniyang kalagayan, hindi siya takot bagus napagod. Dahil kung takot ang pagbabasihan natin bago pa man ang harapan ni Elias at ng mga propeta Baal ay talamak na ang pagpatay sa mga Propeta ng Dios. Sa madaling sabi, bago magsimula ang lahat alam na ito ni Elias, ngunit ginawa niya parin ang hamunin ang mga propeta ni Baal.
Nakaparamdam ng pagod emosyonal, mental, pisikal, at espirituwal si Elias. TAANDAAN KAPAG IKAW AY NAKARANAS NG PAGOD EMOSYONAL, MENTAL, PISIKAL, AY HINDI MAHIHIWALAY NA HINDI KA MAPAGOD SA KALAGAYANG ESPIRITUWAL.
Kung si Elias na propeta ng Dios at nagamit sa matagumpay na kaparaanan ng Dios, ay nakaranas ng pagod, HINDI MALAYONG ITO RIN AY MARANASAN NATIN. TAMA BA?
IKAW BA AY MAY PASAN? Kung Oo, ang pasan ba na ito ay naghahatid saiyo upang mapagod? kung oo, may kailangan kang gawin.
ANO ANG KAILANGAN GAWIN?
1. KAILANGAN MONG SABIHIN LAHAT SA DIOS. Kapag sinabing lahat ito ay nangangahugan ng lahat ng "totoo" mong nararamdaman. Marami saatin ang nanalangin at nalilimutang idalangin ang sarili.
Tama ba ito? Hindi ito tama. Inuutusan tayo ng Panginoon na idalangin ang ating sarili sa Kaniya. Hindi ito pagpapakita ng selfishness, ang tawag dito ay pangangailangan.
Oo, kailangan natin ang Panginoon. Kung paanong idinadalangin natin ang iba para sila sila rin ay magkaroon ng Cristo sa puso ay gayon din naman tayo.
Sabihin sa Dios ang lahat ng iyong nararamdaman, kung ano ba talaga ang tunay mong kalagayan. Kung mayroon mang nakakaalam ng iyong kalagyan yun ay ang Dios wala ng iba.
Sabi sa Mga Awit 55:22 "Ilagak ang iyong pasan sa Panginoon at Kaniyang alalayanin ka, hindi Niyatitiising makilos kailanman ang matuwid."
Ito ang taamang dapat natin gawin sa pagod/burden na ating nararanasan.
2. KAILANGAN MO ITONG IBAHAGI SA MATANDA SA IGLESIA. Tama ang nabasa mo. Ibahagi ang iyong pasan sa MATANDA SA IGLESIA. Ang pagbabahagi ng iyong pasan ay hindi nagpapakita ng iyong kahinaan ni hindi ito nagpapakita ng iyong kawalang kahalagahan.
Ang pagsasabi ng iyong totoong kalagayan sa matanda sa iglesia ay pagpapakita ng pagtitiwala sa kaniya at pag-gawa ng ipinag-uutos ng Panginoon na iyong gawin.
Ang sabi MAGDALAHAN KAYO NG PASAN... Ang Dios mismo ang may utos nito. Kalooban ng Dios na maisulat ito sa Biblia, dahil mismong ang Dios, alam Niya ang bigat na nararamdaman mo.
At sa pamamagitang ng matatanda sa Iglesia ang Dios ay gagawa saiyong buhay.
Ano ba nag Burden o pasan na kailangan nating sabihin sa matatanda sa Iglesia na kailangan nilang malaman?
Una, ikaw ba ay may katungkulan/pagpapagamit sa Iglesia ng Dios? Kung Oo, ang dapat mong gawin ay maging totoo sa harapan mg matatanda ng Iglesia kung ikaw ba ay masaya, nahihirapan, gusto, o ayaw sa pagpapagamit sa Panginoon, upang sa gayon ay masabi nila saiyo ang kailangan mong marinig at maunawaan. Pangalawa, huwag gumamit ng anomang alibi para lamang majustify mo ang iyong sarili at masunod ang iyong kalooban. Pangatlo, laging magpapakumbaba.
3. MAGPURI AT SUMAMBA KA. Oo, tama ang nabasa mo. wala nang magandang gawin kundi ang purihin at sambahin ang Dios sa oras na ikaw ay pagod.
Sa oras na ito, hindi ka hihingi ng anoman sa Dios kundi ikaw ang magbibigay sa Dios. Possible ba ito? Oo at Oo. Naalala ko nang ang tatay ko nasa ospital, pagod ako. Pagod na pagod ngunit sa oras na nang paglilingkod sa Dios, lalo na sa pagpupuri at pagsamba sa Dios binibigay ko ang alam kong pinakamahusay na paglilingkod. Wala akong hinihiling sa Dios kundi ako ay makapagpuri sa Kaniya dahil sa lahat ng Kaniyang binigay at ginawa saakin.
Naalala ko, wala akong tulog noon, magdamag nagbabasa ako ng salita ng Dios, nile-lay hands ang tatay ko, at pinagpepray ang lahat ng mga pasyente na naroon.
Ganoon man ang kalagayan ko, sa biyaya ng Dios nakakapaglingkod ako sa Kaniya ng aking pinakamahusay, at nakapagEevangelized sa ilalim ng init at maulan na panahon. Salamat sa Dios. Kaya ito ay malaking posible. Nagawa ko, magagawa mo!
Mga Gawa 16:25-26. Ang karanasang ito ay karanasang dapat nating tignang mabuti. Ang tanong ay hindi ba sila napagod/ hindi ba sila nakaranas ng pagod? Hindi sila malalaks na tao, hindi sila mga super hero na napapanuod natin sa mga movies, na hindi napapagod at hindi nasasaktan. Sila ay napgod at nasasaktan, ngunit maspiniling gawin ang tama sa harapan ng Dios. Dahil dito, sila ay nakaranas ng mabuti at makapangyarihang karanasan sa Dios.
Mga Iniibig,
Ikaw ba ay pagod? ako ma'y pagod.
Alalahanin natin na hindi natin kaya ang lahat ng pagod na naaranasan natin ngayon. kailangan natin ang Dios na puno ng kalakasan na kailangang-kailangan natin.
Kinakailangan lamang nating gawin ang mga dapat nating gawin. Huwag dibdib, huwag solohin, at huwag kimkimin. Sabihin sa Dios at ang Dios ang gagawa ng Kaniyang kaparaan upang ikaw ay magtaglay ng kalakasang kailangang kailangan mo.
TO GOD BE THE GLORY.
Pray with your whole heart |
Letter for my Brethren,
I pray that all of us may have peace that comes from the Heavenly Father, that will help us to think the right thing to do even we are in the peak of tiredness that lead us to give up on our faith to our Lord Jesus Christ.
We may also have the courage to say what we feel and our stand before God. May all of us be true to our brethren in Christ so that they may also help us to carry our burden.
I do pray that our eyes fix to the Lord Jesus Christ, so then whatever circumstances we face in, we will be overcomes.
I plead the blood of Jesus to cover you and protect you from all evil plans and ways, in Jesus' name, Amen.
0 Comments