Panginoon,
Wala po akong ginawa kundi umiyak ng umiyak sa loob ng isang linggo. Pagod ako. Pagod na pagod.
Kung maaari lamang na hilingin Sayo na kitlin ang buhay ko, ginawa ko nang hilingin na may pagmamakaawa.
Hirap. Pagod. Pagluha at pagsigaw ng walang tinig ang madalas na ginagawa ko.
Naririnig mo ba ako?
Nararamdaman mo ba ako?
Hindi ko na alam kung anong pang salita ang dapat kong sabihin sa kalagayan at nadarama ko sa kasalukuyan. Mga pagluha at paghikbi na lang ang kaya ko.
Asan Ka Panginoon ko?
Nadarama Mo ba ako?
Sa bawat pagluha ko, mga pangako Mo ang naririnig ko. Ang isip ko tumatanggi sa pagkilala sa mga yaon, ngunit ang puso ko kumikilala at tunatanggap sa mga yaon.
Panginoon, hanggang kailan magiging ganito ang kalagayan ko?
Pakiramdam ko sawi ako, lugmok ako, mahirap ako, kaawa-awa ako. Aba sa lahat ng aba!
Asan ka Panginoon ko, Asan ka?
Nadarama mo ba ako?
Nakikita mo ba ako?
1 Comments
Bakit hinahanap mo ang Panginoon? Wala po ba Sya sa puso mo?
ReplyDeleteHindi Siya malayo, malapit Siya. Ang tao ang napapalayo o lumalayo sa Panginoon dahil sa kasalanann.