Sermon: 1 Chronicles 22:6-19

 


Sermon. 08-03-19


TEXT: 1 Chronicles 22:6-19

THEME: NOW SET YOUR HEART AND SOUL TO SEEK THE LORD YOUR GOD. 


INTRODUCTION: 

1. Ang 1 Cronica 22:6-19 na isang pangyayari na si Haring David ay nagtakda ng araw at panahon upang ibigay o ipagkatiwala kay Solomon na kaniyang anak pagpapatayo ng bahay ng Panginoon. 

2. Itinalaga o ipinagkatiwala ni Haring David ang pagpapatayo ng bahay ng Panginoon kay Solomon, sapagkat mismong ang Dios ang nagsabi kay Haring David, na si Solomon ang kaniyang gagamitin upang maitayo ang bahay ng Panginoon. 1 Cronica 22:9-10.

3. Sa lahat ng utos ni Haring David kay Solomon ng panahon na ito, ang ating teksto ang pinakamahalagang utos sa kaniyang sinabi, "NOW SET YOUR HEART AND YOUR SOUL TO SEEK THE LORD YOUR GOD."


I. SOLOMON

1. Sino o ano nga ba ang kalagayan ni Solomon nang sabihan siya ng ganitong mga salita ni Haring David?

2. Si Solomon ng siya ay maging Hari ng bayang Israel, ay bata pa.

3. 1 Cronica 22:5; 29:5

4. The word YOUNG in these verse means ADOLESENCE, and the word TENDER means WEAK (walang kakayahan).

5. Kung titignan natin ang mga kahulugan, ito ay maiilalarawa natin, na si Solomon ay bata pa at walang kakayahan, walang anomang maipagmamalaki kumpara sa kaniyang amang si haring david. 

6. Kaya gaano pa kaya kung pamunuan niya ang buong bayang Israel, na totoong malaki at may matigas na ulo.

7. Lalo pa't ang bayang Israel ay malaki ang expectations sa mga nagiging hari ng kanilang bayan.

8. Higit pa na si Solomon ay anak ng mahusay na Hari ng Israel, na pinahiran ng Dios.

9. Hindi rin lingid sa bayang Israel na si Solomon ay hinirang din ng Dios upang maminuno sa Kaniyang bayan. 

10. 1 Cronica 12:9-10

11. Kaya naman alam ni Solomon ang bigat at laking katungkulan na iniatang sa kaniya ng Panginoon.

12. Hindi lingid kay David ito, kaya sinabi niya kay Solomon ang kaniyang naging sekreto upang pamunuan ang bayan ng Dios.

13. Ano ito? NOW SET YOUR HEART AND SOUL TO SEEK THE LORD YOUR GOD. 


II. 1 CRONICA 22:6-19

1. Now, the word SET here means to LAY, TO GIVE, AND TO COMMIT.

2. Ito ang dapat at tamang gawin ni Solomon upang magawa niyang matapos ang katungkulan na iniatang sa kaniya ng Dios. 

3. Ito ay ang kaniyang PAGLALAGAY, PAGBIBIGAY, AT PAGLALAGAK ng kaniyang puso at kaluluwa sa Dios. 

4. Puso at kaluluwa ang dapat na ilagay, ibigay, at ilagak ni Solomon sa Dios. 

5. Ang kaluluwa sa tekstong ito ay nangangahulugan din ng LIFE O BUHAY

6. Hindi sinabi ni Haring David na dapat na ilagay, ibigay, at ilagak ni Solomon ang kaniyang kaluluwa o buhay at pagkatapos nito ay isunod ang puso.

7. Kundi inuna ni Haring David na sabihin ang puso, bakit? DAHIL ALAM NI HARING DAVID KUNG MAGAGAWA NI SOLOMON NA MAIBIGAY ANG KANIYANG PUSO SA DIOS, KALAKIP NITO AY ANG KANIYANG SARILI O BUHAY SA DIOS.

8. KAILANGAN NA ILAGAY, IBIGAY, AT ILAGAK NI SOLOMON ANG KANIYANG PUSO AT BUHAY SA PAGHAHANAP SA DIOS, UPANG MAGAWA NIYA ANG INATANG SA KANIYA NG DIOS. AT ITO ANG UNANG UTOS NI HARING DAVID SA KANIYANG ANAK NA SI SOLOMON.

9. Sainyo bang palagay, madali bang gawin ang bagay na ito? Madali ba para kay Haring Solomon na magawa ito?

10. Sagot: HINDI. Maaaring mahirap para kay Solomon ang bagay ba ito bakit?

A. Solomon was in his adolescence age, at sa edad na ito ay maaaring si Solomon ay tinutukso ng diablo. Maaaring nalalagay sa kaniyang isipan ng mga panahon na ito, "bata ka pa, hindi mo pa kaya ang ganyang mga bagay", bata ka pa, hindi iyan para saiyo.", "Bata ka pa kapag tinanggap mo yan hindi mo magagawa ang ginagawa ng maraming kabataan ngayon.", at kung anu-ano pang tulad nito!

Maaaring bilang isang anak ng Hari, nagagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin, ngunit kagandahan nito, sinunod ni Solomon ang bilin ng kaniyang ama.

11. RESULTA: NAGAWA NIYANG MATAPOS ANG INIATANG SA KANIYA, AYON SA INUTUS SA KANIYA NG DIOS NA KANIYANG GAWIN. 


III. ESPIRITUWAL NA APPLIKASYON

1. Ngayon ay tignan natin ang kalagayan ni Solomon. Ilagay natin ang ating sarili sa kaniyang posisyon. 

2. Si Haring David ay ang kumakatawan sa Panginoong Hesus na naguutos sa atin na magtayo ng bahay. 

3. We as Christians as we do in the name of our Lord Jesus Christ, we build our own house, but not here on earth but in heaven.

4. Ang materyales ay ang Panginoon din ang naghanda para magawa natin ng maayos, maganda, at tama ang ating itinatatayo. Ayon sa plano ng Dios.

5. 1 Cronica 28:11-21. Mababasa natin kung paano ang Dios ay nagplano ng pagtatayo ng bahay. 

6. TANDAAN: HINDI TAYO ANG ENGINEER OR ARCHITECT NG ATING SARILING BUHAY, KUNDI ANG DIOS. 

7. Paano ba natin maitatayo ang ating bahay espirituwal?


III. BILANG KRISTIYANO MAYROONG INIATANG SAATIN ANG PANGINOON. ANO-ANU ITO?

1. IBAHAGI ANG SALITA NG DIOS. MARK 16:15

2. ANG MAGING ILAW AT ASIN NG SANLIBUTAN. MATEO 5:13

3. ANG PATULOY NA PASANIN ANG KRUS AT SUMUNOD SA PANGINOON. LUCAS 9:23

4. ANG TAPUSIN ANG KURSO NA IPINAGKATIWALA SAIYO NG DIOS. HEBREO 12.1


IV. NOW SET YOUR  HEART AND YOUR SOUL TO SEEK THE LORD.

1. Mahalagang utos ni Haring David kay Solomon, at ito rin ang mahalagang utos o pinakamahalagang utos ng Dios saatin. 

2. Ngunit, paano nga ba natin hahanapin ang Dios?

3. Ang salitang SEEK dito ay nangangahulugang WORSHIP. Maaaring may iba't ibang paraan tayo naghahanap sa Dios, ngunit sa talatang ito ay naging specific ang Dios. 

4. YES, Hindi nagkamali si Haring David ng pagsasabi kay Solomon, na kaniyang hanapin ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpupuri at pagsamba. 

5. Remember, King David was a true worshiper of God. Siya ang tamang halimbawa ng pagpupuri at pagsamba sa Dios. 

6. Na kahit siya ay isang Hari na gawa niyang magpuri at sumamba sa Dios ng walang pagpapaimbabaw. 

7. Ito ang itinuturo ni Haring Solomon sa kaniyang anak to worship the Lord without reservation. 

8. Do you worship the Lord? 

9. God wants our worship with all our hearts, with all our soul, with all our mind, and with all our strength. Meaning in praising and worshiping the Lord we must give are all in all. HE MUST BE OUR ALL IN ALL. 

10. ANG GUSTO NG DIOS AY MAGING CENTRO SIYA KUNG BAKIT IKAW AY NAGPUPURI AT SUMASAMBA, hindi dahil kailangan o may nakakakita sayo, KUNDI MAGING DAHILAN NATIN ANG DIOS ANG LAHAT SAATIN. 

11. Sa pamamagitan ng ating pagpupuri at pagsamba sa Dios, kinakailangan ay ilagay, ibigay, at ilagak natin ang ating puso at kaluluwa o buhay sa Dios. 


V. BENIPISYO SA PAGLAGAK, PAGBIBIGAY, AT PAGAALAY NG ATING PUSO AT BUHAY SA DIOS. 

1. IYONG MAKAKATAGPO ANG DIOS. Jeremias 29:13. 

2. IBIBIGAY SAIYO NG DIOS ANG MGA PAGPAPALA NA KANIYANG INIHANDA PARA SAIYO. 

3. IYONG MAGAGAWA AT MATATAPOS ANG MGA BAGAY NA INAATANG SAIYO NG DIOS. 


VI. CONSEQUENCES IF WE DON'T SET OUR HEART AND SOUL TO SEEK THE LORD. 

SUMPA ANG DARATING.  Ano man ang kaniyang pinasimulang maganda ay magwawakas ito sa pangit o hindi maganda. 

Ang tinayong bahay ni Solomon para sa Dios ay bahay o templo na walang katulad sa anomang bansa na masmayaman o maskilala sa bayang Israel. Kung hindi matutunan ni Haring Solomon na ilagay, ibigay, at ilagak ang kaniyang puso at kaluluwa o buhay sa paghahanap sa Dios ang templong itinayo para sa Dios ay hindi matatapos, kundi ito ay mawawasak at masisira. 

Ganoon din saatin kung di natin ilalagay, ibibigay, at ilalagak ang ating puso at buhay sa Dios. WE WILL BE WORTHLESS AND DISGRACE IN THE FAMILY OF GOD.


CONCLUSION:

1. Ang paglalagay, pagbibigay, at paglagak ng iyong puso o buhay sa Dios ay hindi isang pagaaksaya ng panahon at oras sa Dios, bagkus ito ay isang may malaking pakinabang sa harap ng Dios na hindi kailanman lilimutin ng Dios. 1 Corinto 15:58

2. Patuloy lamang na ilagay, ibigay, at ilagak ang ating puso at buhay sa Dios anoman ang ating maranasa sa buhay na ito.

3. Tandaan: Anomang ating napasimulan ay matatapos natin kung ilalagay, ibibigay, at ilalagak natin ang ating puso at buhay sa Dios. 

4. Nagawa mo na ba ito? Kung hindi pa, kailan mo sisimulan?


SA DIOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN








Post a Comment

0 Comments