Open Your Eyes |
Tinawag at niligtas ka ng Dios sapagkat Siya ay may layunin saiyo.
Ang ating pagkakaligtas, ay hindi lamang sa beniposyo natin bilang individual na Kristiyano (pang-sarili) kundi tayo ay iniligtas ng Dios, una dahil sa kagustuhan Niyang makasama ka sa Langit, pangalawa ay upang ikaw ay maging bahagi sa katawan ng Panginoong Hesus na kagamit-gamit.
Una, nais ng Dios na bawat isa saatin ay maging Kaniyang BIBIG. Bibig hindi upang magsalita ng bagay na walang kabuluhan, kundi magsalita na ang sinasabi lamang ay salita ng Dios. Layunin: UPANG MALIGTAS ANG LAHAT NG TAO.
Pangalawa, nais ng Dios na bawat isa saatin ay maging TAENGA (TENGA) hindi upang makinig ng patungkol sa buhay-buhay ng sinoman. Kundi maging taenga na handang makinig sa mga kapatid kay Kristo hindi upang sila ay husgahan, kundi upang sila ay pakinggan na mailalapit natin ang kanilang kalagayan sa panalangin sa Dios.
Ngayon nais kang gamitin ng Dios at maging bahagi ka sa katawan ni Kristo upang Kaniyang maging MATA.
MATA
Ang mata ay isang parte ng katawan ng tao na napakahalaga.
Mahirap ang may mga MATA na hindi nakakakita, Amen?
Ang mga mata ay siyang pangunahing ginagamit natin upang makita natin ang maaaring mangyari saatin para makaiwas sa tiyak na kasakunaan, ang mata din ang siyang nakakakita ng kalagayan ng nasa paligid natin.
Tayo na bahagi sa katawan ni Kristo ay kinakailangang gamitin ang ating mga mata.
Mga mata na nakakakita ng nangyayari sa loob ng ministry at maging sa mga kapatid.
Nagawa mo na bang imulat ang mata mo sa araw na ito para makita ang kalagayan ng mga kapatid kay Kristo at sa ministry? Anong nakita mo?
Nakita mo ba ang kalagayan ng ministry? Nakita mo ba na Kailangan ba ng aruga ng ministry? Nakita mo ba ang pangangailangan ng ministry? Nakita mo ba nag kalagyan ng mga kapatid kay Kristo?
Genesis 4:9
"And the Lord said unto Cain, Where is Abel thy brother? And he said, I know not: Am I my brother's keeper?"
Ang salitang KEEPER dito ay nangangahulugan sa english ng: TO GUARD, TO PROTECT, KEEPER, AND WATCHMAN.
Ngayon, mayroon bang guard, keeper (tagabantay), and watchman na bulag o kaya naman ay nakapikit?
Hindi ba sa natural sila na guard, tagabantay, watchman (tagakita) ay dapat gising? Nakamulat ang mata! They are usually awake until their time or schedule ends.
Are you a brothers' keeper? Your brothers' guard? Your brothers' watchman?
The answer is YES.
Tayo ay guard, taga-bantay, at taga-kita sa mga kapatid
HINDI UPANG TAYO AY MAGING JUDGMENTAL NA MGA KRISTIYANO KUNDI UPANG SILA AY PROTEKTAHAN, INGATAN, AT ALAGAAN.
Sabi sa SONG OF SOLOMON ang mga Kristiyano ay isang KEEPER OF THE VINEYARD (TAGA BANTAY NG UBASAN), At ang ubasan dito ay ang mga kapatid kay Kristo.
WE CAN NOT BE A BRETHREN'S GUARD, KEEPER, OR WATCHMAN IF WE ARE BLIND SPIRITUALLY.
Matutulad tayo sa mga ESKRIBA AT FARISEO.
They consider themselves as a leader who guards, keep, and watchman for their followers but they are blind.
Matthew 15:14 "Let them alone: they be blind leaders of the blind. And if the blind lead the blind, both shall fall into the ditch."
Oo, sinabi ng Panginoon dito na kaya sila naging bulag ay hindi sila kumikilala sa katotohanan. Ngunit, alam niyo bang sila din ay nagbibigay ng ARAL na kahit sila ay hindi gumagawa at hindi nila nakikita ang kanilang tagasunod (mga nakikinig) na sila ay nahihirapan at sila (Fariseo at Eskriba) din ay hindi nagsispagbuhat ng mga ito.
Tulad natin na mga Kristiyano, ang eskriba at fariseo, we act we feel and see them pero sa katotohanan hindi.
Gaano kahalaga na ang ating mga mata spiritually ay nakamulat at nakakita?
We as part of Christ's body are here to guard, keep, and watch the brethren.
Why?
For us to lead them not to fall into the ditch (hukay) but (1) to help them to stand still in these last days. (2) to help them to remain in faith and be saved.
Sa paanong paraan ating silang maiingatan, maproprotektahan, at maalagaan?
1. Alalayanan ang mga kapatid kay Kristo.
Aminin man natin o hindi, may mga panahon na hindi natin kaya. May mga panahon na wala tayong kakayahang magtagumpay.
Kaya naman kailangan na ang nga mata mo espirituwal ay laging nakabukas, upang bantayan, ingatan, at proteksyonan ang kapatid kay Kristo na nasa ganoong kalagayan.
Kung ang ating espirituwal na mga mata ay nakasara, hindi natin makikitang maliwanag ang tunay na kalagayan ng mga kapatid kay Kristo. Dahil hindi lahat ng mga kapatid kay Kristo ay nagsasabi ng totoo nilang kalagayan espirituwal.
Halimbawa: ang kala natin ang mga kapatid kay Kristo na nakikita nating nagpapagamit ay malakas yun pala ay may struggle na silang nararanasan sa sarili na maaring magdulot sa kanila ng pagtalikod.
Nangangailangan na pala ang kapatid ng ALALAY AT SIYA AY MAAAGAPAN.
Maaaring sabihin ng iba na kailangan na si Haring David nga ay natutong magpalakas ng kaniyang sarili sa Panginoon. Oo, tama ito ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay si haring david tayo, dahil masmaraming pagkakataon na tayo ay nanghihina at sumusuko.
Kaya tayo ay nangangailangan na maging mata upang ang mga kapatid ay maagapan para kay Kristo.
2. Makita ang pangangailangan ng ministry.
Paano nga natin makikita na kailangan ng ministry ng tagaPagbahagi ng salita ng Dios kung ang ating mga mata ay nakapikit?
Paano natin malalaman na kailangan pala ng ministry tenga upang siya ay maging counselor sa mga kapatid na may problema if ang ating mga mata espiritual ay nakapikit at di makita ang panganagailangan ng ministry at ng mga kapatid kay kristo?
Nakita mo na ba ang ministry ng Dios o church ng Dios kung saan ka ngayon uma-attend ay nangangailangan ng manunugtog, Mananayaw (tambourine dancer), at nangangailangan ng financial na tulong?
3. Makikita ang pangangailangan ng mga tao na nasa daan ng kapahamakan.
Maraming mga Kristiyano ang hindi nakakakita ng pangangailangan ng lahat ng mga nasa daan ng kapahamakan, bakit? Dahil ang kanilang mga mata ay sarado upang makita ang urgent na kailangan ng lost souls.
Dapat nating makita ang pangangailangan ng mga taong ito, dahil sa katotohanan sila ay totoong aba sa lahat ng aba. Sa pagkakita natin sa kanila, makikita din natin ang pangangailangan ng mga kapatid kay Kristo na kabilang sa paggawa ng gawaing pagwawagi ng kaluluwa.
They need our help! Kung nakapikit tayo, di natin ito makikita.
Mga kapatid,
Ang mga mata ay hindi ginagamit upang humanap ng ikapupuna sa iba, bagkus ang mga mata ay ginagamit upang makita ang maitutulong sa iba.
Nakakakita ka pa ba, kapatid?
Imulat mo ang iyong mga mata upang makita mong maliwanag ang kailangan mong gawin sa mga araw na ito para sa Pangalan ng Panginoong Hesus.
SA DIOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN.
0 Comments