Sulat para sa mga kabataan kay Kristo.

 

Kabataan, imulat mo ang iyong mga mata.


Para sa iyo kabataang Kristiyano, 



Naniniwala ka ba sa sinabi ni Jose Rizal "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan?


Maari noong nag-aaral pa ako, tinanggap ko ang kasabihan at paniniwalang ito ni Jose Rizal. Ngunit habang tumatagal, tila baga, may mali sa kasabihan at paniniwalang ito ni Rizal.


NAGIGING JUDGMENTAL BA AKO?

Iyo na bang minulat ang iyong mga mata sa panahon na mayroon tayo ngayon?

Kung "OO", hindi ka ba nababahala na makita ang maraming katulad mong kabataan na natutuwa sa mga kalayawan? Mga kabataang ang dereksyong tinatahak ay hindi ayon sa kalooban ng Dios?

OO, ang mundo na ating ginagalawan ay puno ng mga bagay na maaaring mang-ingganyo saatin upang tayo na mga kabataan ay maalis sa daang nais ng Dios na ating lakaran.

Mundo na kumukuha ng marami nating oras, panahon, at atensyon.  


Teka, aware ka ba dito? 


Ilang youth na ba nakasama ko? Mga kabataan na nakarinig ng mga babala, saway, at pangaral? 

Mga kabataang hindi nakinig sa mabuting aral at mga pangaral, kundi sinunod ang hilig ng laman at ang mga kalayawan sa buhay na ito.

Mga kabataang walang lubos na pagkakilala sa Dios kaya naman walang totoong pagkatakot sa Panginoon.


Isa ka ba? 


Sabi ni Apostol Pablo sa 1 Juan 2: 13 -14 [13] Kayo'y sinusulatan ko, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y sinusulatan ko, mga binata, sapagka't inyong dinaig ang masama. Kayo'y aking sinulatan, mumunting mga anak, sapagka't inyong nakikilala ang Ama.

[14] Kayo'y aking sinulatan, mga ama, sapagka't inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo'y aking sinulatan, mga binata, sapagka't kayo'y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.


Ang 1 Juan 2:13-14 ay bumabanggit ng BINATA. Tama?


Ang salitang BINATA na mababasa natin sa 1 Juan 2:13-14 ay hindi tumutukoy sa mga binata lamang, kundi ito ay tumtukoy sa LAHAT NG KABATAAN, na ang sakop ng edad ay apat napu (40) pababa. 


Maging maliwanag na ang kabataang kaniyang tinutukoy sa talatang ito ay hindi lamang mga kabataan, kundi mga kabataang Kristiyano. Mga kabataang naglilingkod sa Panginoon. 


At ang mga kabataang binabanggit niya ay mga kabataang may mabuting karakter, Ano-anu ang mga ito?

1. Dumadaig sa masama. (Verse 13)

2. Sila'y malalakas. (Verse 14)

3. Ang salita ng Dios ay nanahan sa kanila. (Verse 14)


Ang mga katakter na nabanggit ay siyang kailangang-kailangan taglayin ng mga kabataan sa panahon nating ngayon. 


Bakit? Dahil ang panahon natin ay pasama ng pasama. 2 Timoteo 3:1 Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib.


Ang salitang mapanganib sa talatang 2 Timoteo 3:1 ay nangangahulugan sa orihinal na: PUNO NG GALIT AT KARAHASAN.


Hindi ka parin nababahala?


Ilang kabataan ngayon ang galit sa kanilang mga magulang? Galit sa kapuwa nila mga kabataan? mga kabataang mahilig maki-riot? mga kabataang nasasali sa ibat't ibang praternity na ang layunin ay hindi lamang basta brotherhood o samahan kundi nahahatid ang mga kabataan dito na magalit sa hindi nila ka-praternity.


kabataan imulat mo ang mga mata mo!

Bakit?



KABATAAN NAGAGAMIT KA NI SATANAS

Na sa panahong ating ginagalawan, ikaw na kabataan ang madalas na nagagamit ni Satanas. Bakit? Dahil may lakas ka na taglay na siyang kailangan ni Satanas para kaniyang magawa ang mga bagay na kaniyang kalooban sa lahat ng tao.


Ngunit sa panahon ng Biblia, ang taglay na lakas ng mga kabataan sa panahon ni Pablo ay ginagamit nila ayon sa kalooban lamang ng Panginoon. Ang lakas na taglay nila ay nagmumula sa iisang rason: "nanahan sa kanila ang salita ng Dios."


Ang pananahan ng salita ng Dios sa buhay ng isang tao ay nagbibigay lakas upang daigin ang lahat ng uri ng masama.  


Ngayon kabataan, bakit marami saatin ang madaling mahulog sa tukso, at sa pagkakasala? YUN AY HINDI NANANAHAN SAATIN ANG SALITA NG DIOS.


Nakakalungkot isipin na kahit tayo na tintatawag na Kristiyano, may salita ng Dios na napapakinggan, ngunit nahahatid tayo sa pagkakasala.


Sasabihin ba ninyong iba ang mga kabataan noon sa ngayon?


Kelan ba nabago ang istratehiya ni Satanas sa mga tao? Para sabihin mong iba noon at ngayon?


Masasabi kong pareho lamang, dahil dito lamang umiikot ang mga panghihikayat ni Satanas, pita ng laman, pita ng mata, at kapalaluan sa buhay. 1 Juan 2:16


Sapat ang lakas ng dulot ng salita ng Dios upang mapagwagian natin ang lahat ng mga pang-aalok na ginagawa ni Satanas. 


Naalala mo si Haring David? Mga Awit 119:11 Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo.


Iningatan niya ang salita ng Dios sa kaniyang puso upang hindi siya magkasala laban sa Dios. Ito rin ang siyang ginawa ng lahat ng kabataan sa panahon ni Apostol Pablo. 


Mga kabataan, taglayin natin ang lakas na nagbubuhat sa Dios upang tayo ay manaig laban sa masama na walang ibang nais at layunin kundi kunin ka sa kamay ng Panginoon at isama ka niya sa kapahamakan.


Ito ang panahon upang imulat mo ang iyong mga mata sa katotohanan na ang mundong ginagalawan mo sa panahon ngayon ay pasama ng pasama. 


Imulat mo ang iyong mga mata, ngayon!

 

SA DIOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN!


Para sa aking mga kapatid kay Kristo, 

Aking panalangin na lahat ng kabataang Kristiyano, ay magamit ng Panginoon ayon sa Kaniyang kalooban. 

Sa tulong ng Banal na Espiritu ay magkaroon tayo ng lakas upang labanan ang lahat ng uri ng kasamaan ng diablo.

Ipinamamanhik ko ang dugo ng Panginoong Hesus na mabalot sa iyo, sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen.















Post a Comment

0 Comments