Sino nga ba si Jesus sa akin?





Ikaw ang Panginoon na aking Tagapagligtas.

Panginoon na saakin ay tumubos.

kaya naman lubos-lubos ang aking pasasalamat sa'yo

Aking Panginoong manunubos.


Buhay mo ay binigay

Kapalit ng buhay na aking taglay

Binuhay mo ako sa gitna ng mga patay

Ikaw ang Panginoon ng aking buhay


Ang Panginoon na saakin ay umibig

Kahit ako'y hindi kaibig-ibig

Siya ang nagpuno saaking puso ng pag-ibig

Ang Dios na aking iibigin.


Walang papantay Sa'yo, Panginoon

Ikaw na lahat saakin.

Walang papantay Sa'yo, Panginoon

Ikaw na pumuno sa akin.



Iniibig na Kapatid Kay Cristo

Sino ang Panginoong Jesus sa'yo?

Tama ang sinabi ni Apostol Juan, Juan 21:25 "At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin."

Saysayin o isulat man ang mga bagay na ginawa ng Dios saating lahat kukulangin ang araw, ang oras, o ang taon man para ito ay maipahayag.

Sino ang tutulad sa Panginoon, na bawat minuto, oras, at araw ay hindi napapagod upang gumawa ng mabubuting bagay saatin na nagsisispanampalataya.



SA DIOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN

Sulat para saaking mga kapatid

Ipinapanalngin ko na ang bawat isa saatin ay mapuno ng pagkakilala sa ating Panginoong Hesus. Ipinamamnhik ko ang Dugo ng Panginoong Hesus ay bumalot sainyong lahat. Sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen

Post a Comment

2 Comments

  1. Walang katumbas ang lingap mula sa Panginoon at hindi ito mapapantayan ng lingap na mula sa mga tao kahit ang malalapit at mahahalagang tao sa buhay na ito.

    Nothing more like Jesus!

    ReplyDelete