Pray for yourself. |
"Panginoon, kung mayroon man akong gustong balikan, yun ay ang tulad ng dati nating relasyon."
Mayroon ka bang ganitong panalangin sa Panginoon? Panalangin na hindi pangMateryal na bagay, hindi pang-propesyonal na kalagayan, panalanging hindi tungkol sa makamundong kaligayahan?
Kung mayroon mang gustong mapakinggan ang Dios na panalangin natin ngayon, hindi ito panalangin LAMANG para sa ibang tao.
Oo, tama nabasa mo. Hindi ang panalangin LAMANG para sa iba ang gustong marinig saiyo ng Dios, kundi, gusto ng Dios na marinig sayo ay panalangin mo para sa iyong sarili ngayon.
Ngunit, maging maliwanag saating lahat na hindi KO sinasabing itigil, at masama ang pananalangin sa iba, ito ay mabuti, kailangan, at marapat nating gawin bilang mga kristiyano.
Ngunit sa kabilang banda, sa kakapanalangin natin para sa iba ay nalimutan na natin ang ating sarili.
Marapat ko sigurong tanungin kayo-kayo kung kamusta na ba kayo sa Panginoon?
Kamusta na ang iyong sariling ubasan? Namumunga ba at naaalagaan ba ito ng panalangin mo para sa iyong sarili?
Awit ni Solomon 1:6 Huwag ninyo akong masdan dahil sa ako'y kayumanggi, sapagka't sinunog ako ng araw. Ang mga anak ng aking ina ay nagalit laban sa akin, kanilang ginawa akong tagapagingat ng mga ubasan; nguni't ang sarili kong ubasan ay hindi ko iningatan.
Si Haring Solomon na siyang sumulat ng isa sa mga Aklat ng Biblia na Awit ni Solomon ay nakaranas na siya mismo ay mag-alaga ng ubasan, at ito ay ang buong bayang Israel.
Si Solomon ay hari na walang ibang ninanasa para sa ikabubuti ng bayang ipinagkatiwala sa kaniya ng Dios, kundi ang bayan ng Dios ay mapabuti.
Naniniwala akong lubos na si haring Solomon ay nananalangin para sa bayan ng Dios.
Ngunit siya mismo ay hindi nakabantay sa Kaniyang sariling ubasan at siya ay nahulog sa kaniyang kahinaan. Kaya naman mayroon tayong mababasa sa Awit ni Solomon 1:6.
Always Remember: "Prayer is the oxygen of a Christians"
Yan ang madalas nating naririnig, sa tuwing tayo ay hinihikayat na manalangin.
Oo ito ay totoo.
Kung ang panalangin ay nagbibigay hininga, ito ay nagbibigay ng buhay saiyo na nananalangin.
Kaya sabi ng Panginoon: "ito ang mga araw na inyong itangis ang inyong mga sarili."
-SBG meyc. Prophesy-
BAKIT KAILANGAN NATING ITANGIS ANG ATING SARILI SA DIOS?
May mga dahilan ang Dios kung bakit gusto Niya na atin idalangin ang ating sarili sa mga huling araw na ito.
1. Ang mga panaganib na araw ay narito na!
Ito ang mga araw na hindi na kailangan na ang mga Kristiyano ay pa-easy-easy na lamang, bakit? dahil ito ang mga araw na mapanganib. 2 Timoteo 3:1 "Datapuwa't alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib."
Mapanaganib na anopa't kinakailangan na ang bawat isa saatin ay maging mapagbantay. Sa pamamagitan ng pananalngin natin para sa ating sarili,
Aminin man natin o hindi bawat isa saatin ay mayroong kahinaan, kahinaan na hindi natin kakayaning mapagtagumpayan ng saganang ating sarili lamang, We need to pray ourselves to the Lord to request the strength that we need to take good care the vineyard God entrusted in us.
IKAW NA KRISTIANO NA HIHINGI NG LAKAS NA BUHAT SA DIOS PARA MABANTAYAN ANG IYONG UBASAN, AY MAGBIBIGAY SIYA NG LAKAS NA SAPAT UPANG MABANTAYAN MO ANG IYONG UBASAN SA TIYAK NA MANINILA NA DARATING.
2. Upang manatili ang iyong unang pag-ibig sa Dios.
Madalas nating sabihing "prayer is our communication to the Lord".
Sa katotohanan walang relasyong titibay at lalago nang walang komunikasyon. Maraming relasyong nasira sa kawalan at kakulangan ng komunikasyon. Ito man ay sa magasawa, magulang sa anak, at kaibigan. Gayun din naman sa relasyon natin sa Dios,
WE CAN NOT GUARANTEE OURSELVES THE FACT THAT WE HAVE A NEAR AND STABLE RELATIONSHIP WITH GOD WITHOUT PRAYER.
3. Pagpapakita ng ating pagpapakababa sa Dios.
Maging maliwanag saatin na hindi porket tayo ay dumalangin na may pagtagis sa Dios tayo ay nagpapakababa na.
Ang pagtangis sa pananalangin sa harapan ng Dios ay hindi pagtangis na napilitan o di kaya kailangang tumangis.
Hindi ko alam kung inyo na bang naranasang umiyak sa Dios na ang inyo-inyong pakiramdaman ay binubuksan mo ang iyong puso sa Dios. Ganitong karanansan o higit pa ang aking tinutukoy mga kapatid.
Ang pananalangin sa iba ay papakita din ng ating pagpapakababa at pangangailangan sa Dios, ngunit higit pala na pagpapakita ng pagpapakababa at pangangailangan sa Dios sa oras na ating idinadalangin ang ating sarili sa Dios mismo.
Ito ay pagpapakita na hindi natin kaya nang wala ang Dios sa buhay natin.
IKAW BA AY NANANALANGIN PARA SAIYONG SARILI?
Kung Oo, ano ang idinadalangin mo?
Ang panalanging gustong marinig sayo ng Dios ay panalanging hindi makamundo, oo, gusto ng Dios na pagpalain ka. Kahit ng mga material na bagay ngunit masarap na marinig ng Dios saiyo ay panalangin ng pangangailangan mo sa Kaniya.
Maliban sa sabihin natin sa Panginoon na mahal natin Siya at wala nang iba pang matamis sa pakinig ng Dios ang katotohanang pangangailangan mo sa Kaniya.
Mga minamahal,
Ito ang araw na kailangan nating idalangin ang ating sarili sa harapan ng Dios. Itangis ang sarili sa Dios.
Kung paano mo nagagawang itangis ang iba sa Dios, higit dito dapat ang pagtangis mo sa iyong sarili.
Bakit? Kung mayroon mang nakakakilala at nakakaalam ng iyong tunay na kalagayan o estado espirituwal walang iba kundi ikaw at ang Dios.
Inaantay ka ng Dios ngayon. Tara manalangin tayo sa Dios ng ating mga sarili sa kaniya!
SA DIOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN
Dumadalangin ako na ating maipahayag ang ating sarili sa Dios na walang pagaalinlangan.
Panalangin na ating mabubuksan ang ating puso sa Dios.
Kayo ay matakpan ng dugo ng Panginoong Hesus upang maingatan sa lahat ng daya at kasinungalingan ng diablo.
Sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen.
0 Comments