Bagong Taon, Bagong Simula.

 

New Year, New Beginning



BAGONG TAON, BAGONG BUHAY

Ito ang madalas nating sinasabi sa tuwing sasapit ang araw ng bagon taon. Quote o kasabihan na marami ang gumagawa nito, ngunit mashigit ang bilang ng mga taong gumagawa ng bagay na ito ngunit sa sandaling panahon lamang at pagkatapos ay nalilimutan.


Sa aking personal na karanasan, maraming pagkakataon na ang nangyari sakin na sinunod ko ang kasabihang ito. Ngunit sa kasawiang palad, isa ako sa mga taong kabilang sa pangalawang pangkat: "gumagawa ng kasabihang ito ngunit sa sandaling panahon at lumilimot."


Isa ka ba sa katulad ko? Nasisimulan ang kasabihang ito ngunit hindi nagagawang matapos hanggang sa magbago ang taon?

Nararamdaman kita. Oo, Nakakapagod. Nakakasawa. Nakakayamot.


TANDAAN: HINDI MASAMA ANG PAGKAKAROON NG BAGONG BUHAY SA BAGONG TAON. ITO AY MABUTI LALO NA'T PINAGPASYAHAN MO ITO SA IYONG SARILI PARA SA IYONG MAS HIGIT NA IKABUBUTI.


BAGONG TAON, BAGONG BUHAY.

Oo! isang mahusay na bagay ang mag desisyon ng malaki para sa iyong sariling pakinabang. Isang malaking hakbang at desisyon ang pagpapasyang magkaroon ng bagong buhay sa bagong taon.

Bagong buhay ibig sabihin ay hindi mo na gagawin ang mga bagay na nagawa mo sa buhay mo na hindi nakatulong saiyo noong nakaraang taon. 

Ngunit, sa kabila nito, sikapin nating huwag mabago ang mga bagay na nagpahusay, nagpalago, at nagpatibay saating BUONG PAGKATAO (Katawan, Kaluluwa, at Espiritu) noong mga nakaraang taon. Dahil kahit ang Dios ay hinahanap ang mga nakaraang gawa na nagpahusay, nagpalago, at nagpakatibay saating buong pagkatao.

Mangangaral 3:15 "Ang nangyari sa nagdaan ay nangyari na; at ang mangyayari pa ay nangyari na rin; at hinahanap uli ng Dios ang nakaraan na."


Ang sabi sa talatang ito, "ang mga nangyari ay nangyari na", ang mga salitang ito ay nagpapatungkol sa 2 bagay:

1. Ano mang nangyari sa nakaraan, ito man ay mabuti o masama bunga ng mabuti at maling desisyon hindi na maibabalik ito.

2. Ano man ang ating ginawa at naiwan sa nakaraan ay hindi na natin maibabalik, ito man ay tinatawag na unfinished business.


Sa madaling sabi, anomang nasa nakaraan ay hindi na kailanman maibabalik upang ipagpatuloy ito, bagkus maaaring maumpisahan ulit o masimulan ulit.


Pangalawa, "at ang mangyayari pa ay nangyari na rin"

Naalala niyo ba ang sinabi ni Haring Solomon isang matalinong hari ng Israel na nagsabing "walang bago sa ilalim ng araw". 

Ito ang tinatawag nating DAILY ROUTINE o mga pangayayari na nangyari na sa nakaraan at nangyayari ulit.

Anoman ang ating ginawa noon at maaaring ginagawa ngayon, at gagawin pa ay nangyari na rin.

Halimbawa, Sa trabaho, Eskwelahan, mga gawain sa loob ng bahay.

Halimbawa pa, tulad na lang nang CORONA VIRUS na nanagyayari sa kasalukuyan na puminsala sa maraming bansa at pumatay sa maraming tao ay nangyari na rin ang ganito ayon sa world history.

Kaya totoo ang sinabi ni Haring Solomon na walang bago sa ilalim ng araw. 

Mangangaral 1:9 "Yaong nangyari ay siyang mangyayari; at yaong nagawa ay siyang magagawa: at walangbagong bagay sa ilalim ng araw."


Pangatlo, "at hinahanap ng Dios ang nakaraan na"

Akala ko noon, ang Dios ay hindi after sa nakaraan mong ginawa. 

Mali pala ako. Kundi ang Dios ay hinahanap ang "nakaraan". Oo hinahanap ng Dios ang mga nakaraang ginawa mo. 

Mga gawang nagpahusay, nagpalago, at nagpatibay sa buo mong pagkatao, higit sa lahat sa iyong Espirituwal na kalagayan.

Ano ba ang mga gawang ito?

Pananalangin, pag-aayuno, pagpupuri, pagsamba, pagbabasa ng salita ng Dios, at ang pagpunta sa gawain ng Panginoon.

Kung malalaman lang natin kung ano ang nasa puso ng Dios patungkol sa nakaraan nating mga gawa sa Kaniya, maaaring ang Dios ay totoong nananabik sa atin. 

Oo, ang Dios ay nananabik at nauuhaw sa mga nakaraan nating mga gawa na hinahanap Niya ngayon at inaasahan Niyang magawin natin ngayon.

Ilang araw, buwan, at taon naghintay sayo ang Dios para gawin mo ulit ang nakaraan mong mga gawa?


Mga Minamahal, 

Ang pagdedesisyon na pagkakaroon ng bagong buhay sa bagong taon ay hindi pa huli. Hangga't may bukas para sa taong ito ay maari kang magdesisyon para dito. Ngunit paabutin mo pa ba hanggang bukas para magdesisyon na magkaroon ka ng bagong buhay sa taong ito?

Tama na ang salitang 'bukas na', kailangan ang desisyon mo ngayon.

Kung nangyari na noon na nagawa mong magpalakas, magpakatibay, magpakatatag ay magagawa mo ulit sa harapan ng Dios. 

Dahil ang mga bagay ay nangyari na at ang mangyayari sa hinaharap ay nangyari na rin. Kaya naman bakit hindi natin gawin ngayon na ang mga bagay na hinahanap ng Dios sa ating nakaraan? 



SA DIOS ANG LAHAT NG KAPURIHAN

Para sa aking mga kapatid

Ang pag-ibig ng Dios ay laging sumaatin at ito ay ating maranasan ng bawat isa. Ang Banal na Espiritu ay tulungan ang bawat isa saating magdesisyon sa buhay na ito sa ating ikabubuti sa buhay na ito at sa darating.

Ang pagliligtas ng Dios ay laging sumaatin saanman tayo pumaroon.

Sa pangalan ng panginoong Hesus, Amen.

 

Post a Comment

0 Comments