Kailangan Ka Ng Dios

 
Have ears that hears.

Kailangan ka ng Panginoon, ngayon.

Ito ay isang URGENT CALL o madalian at agarang panawagan ng Dios sa lahat ng mga Kristiyano. Hindi lamang sa mga kabilang sa 5 fold ministries, tulad ng Apostol, Evangleista, Propeta, Pastor, at Guro o kahit sa mga matatagal nang Kristiyano kundi sa LAHAT NG KRISTIYANO.

Di natin pag-uusapan kung gaano ka na katagal o bago pa lamang naging Kristiyano, kundi pag tutuunan natin ng pansin dito ay kung ikaw ba, ay tinuturing ang iyong sarili bilang isang kristiyiano, ang blog na ito ay para saiyo.

Tayo na tinatawag na Kristiyano ay kabilang sa katawan ni Kristo. Hindi maaari na ikaw ay walang kinabibilangan na parte sa katawan ni Kristo, we are not called to be JUST a Christian but we are called to be PART of CHRIST BODY.

Sa ayaw o sa gusto mo ikaw ay kabahagi sa katawan ni Kristo.

Tulad sa Natural tayo na mga tao ay mayroong iba't ibang parte ng ating katawan at iba ang mga pagkagamit ng mga ito. Gayon din sa katawan ni Kristo, maraming parte o bahagi ngunit iba iba ang pagkagamit. 1 Corinto 12:12 "Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo."


Sa unang bahagi ng Kailangan ka ng Panginoon, tayo ay inaasahan ng Dios na maging kaniyang bibig.

Bibig upang ibahagi ang Kaniyang salita sa lahat ng tao. Marcos 16:15 At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.


Ngayon pag-uusapan natin ang ikalawang bahagi ng katawan ni Cristo at ito ay TAENGA.


Ang Taenga o ears sa ingles ay ginagamit sa pakikinig. Ito ay isa sa napakahalagang parte ng ating katawan sa natural. Mahirap ang mabuhay na ikaw ay may taenga ngunit hindi nakakarinig. Tama ba?

Kaya marami sa mga tao ngayon ang gumagamit ng earing aid upang anomang depekto ng kanilang taenga na hindi nakakarinig ay makarinig.

Mahalaga at napakahalaga ng pagkakaroon ng taenga na nakakarinig bilang isang Kristiyano. 



TRUTH: Tayo ay kinakailangan ng magkaroon ng Taenga na nakakarinig hindi lamang sa tinig ng Banal na Espiritu, kundi nakakarinig din sa tinig ng mga kapatid kay Kristo.



TAENGA NA MARUNONG MAKINIG SA MGA KAPATID KAY KRISTO.

In these last days, it is very important that we are not only a mouthpiece of  God but also be ears of God that are able to hear our brethren.

Marami ang bingi sa atin sa oras na kailangan nating pakinggan ang kapatid kay Kristo. Bakit? It simply because we are tired hearing them. We don't have time hearing them, and We don't like to hear them.

Ang sabi ng Panginoon, TAYO AY MAGSIBIGAN DAHIL ITO AY NAGPAPAKITA NA TAYO AY MGA ALAGAD NI CRISTO Juan 13:34 "Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa."


TRUTH: But, not hearing them is simply saying, we don't love and care for them.

Ang hindi marunong makinig sa kapatid lalo na sa oras na siya ay nasa hindi mabuting kalagayan ay nagpapakita ng:

Hindi marunong makinig sa tinig ng Banal na Espiritu MISMO!

Nakakalungkot, ikaw na kapatid kay Kristo ay may mga patotoo na ikaw mismo ay nakakakita ng ginawa at ginagawa ng Banal na Espiritu.  Ngnuit, hindi marunong makinig sa kapatid kay Kristo.

Ikaw na kapatid kay Kristo ay mayroong mga patotoo na natinuturuan ka mismo ng Banal na Espiritu, ngunit ang makinig sa kapatid kay Kristo ay hindi mo magawa!

Ang tanong, totoo kaya ang patotoo mo patugkol sa Banal na Espiritu? o kaya naman patotoo mo patungkol sa ginawa sayo ng Panginoong Hesus? 

TRUTH: HINDI KA TUTURUAN NG BANAL NA ESPIRITU NA HUWAG MAKINIG SA IYONG KAPATID KAY KRISTO.

Kundi, ang Banal na Espiritu ay nagagalak na IKAW ay makinig sa kapatid kay Kristo.

Ngunit, bakit tila bingi ang maraming kristiyano ngayon para hindi makinig sa kapatid kay Kristo?

Yamang sinasabi sa Santiago 1:19 "Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawat tao sa pakikinig..."

 English: "Wherefore, my beloved brethren, let every man be swift to hear..." (...yahaan na ang bawat tao ay magmaliksi sa pakikinig)

Oo ang verse na iyan ay madalas nating ginagamit sa Salita ng Dios, ngunit ang talatang ito ay gamitin natin sa gabing ito sa pakikinig sa mga kapatid.

Ang salitang SWIFT O MAGMALIKSI ay nangangahukugan ng PROMPT OR READY (nahahanda o handa).


Hindi pagmamadali para makinig patungkol sa kanilang buhay-buhay at ito ay ipagkalat.

Ang pagOPEN up sa kapatid patungkol sa iyong nararanasan ay hindi mali at lalong hindi masama. 

Sa oras na ang kapatid kay Kristo ay magsabi sayo ng kaniyang nararansan sa kasalukuyan, Ikaw na Kristiyano ay DAPAT HANDA AT LAGING HANDA SA PAKIKINIG SA KAPATID KAY KRISTO. 


Lalo't kahit ang Biblia ay nagsasabi ng ganito: "Bear ye one another's burdens, and so fulfill the law of Christ." Galatians 6:2

tagalog: "Magdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo."

KATOTOHANAN: ANG PAKIKINIG SA MGA KAPATID KAY KRISTO, AY PAGDADALA MO NG PASAN NIYA.

Maging maliwanag saatin na hindi lamang ito pakikinig kundi ito ay may kalakip na pag-abot, pangunawa, at pagibig. 

Ngayon, paano mo madadala ang pasan ng  kapatid kay Kristo ng hindi ka nakikinig sa kaniya? 

Hindi natin maiaalis na kahit tayo ay mayroong personal na bigatin at dalahin, ngunit, KAAAKIBAT NG MGA ITO, AY KINAKAILANGAN NATIN NA TAYO AY MAGING TAENGA NG PANGINOONG HESUS.

Tignan nating positibo at mabuting bagay ang pakikinig sa kapatid kay Kristo ay isang malaking tulong sa parte nila. At tayo na sinasabihan ng kanilang kalagayan ay huwag maging mabigat saatin ang bagay na ito sapagkat sa ating ginagawa ay ginagawa nating tuparin ang kautusan ni Cristo. 

MAGING TAENGA KA NG PANGINOONG HESUS.

HINDI BA KAYO NABABAHALA NA ATING PANAHON AY PASAMA NG PASAMA AT PATINDI NG PATINDI? 

Ang panahon ngayon ay panahon na ang ating isipan at emotion ay winawasak ng kaaway na diablo. 

Hindi niyo ba pansin na ang Spirit of Anxiety ay malakas na kimilikos sa ating panahon? Hindi lamang sa unbeliever kundi kahit sa BELIEVERS?!

BAKIT? Kahit sa iglesia na inaasahan SANA na unang makikita ang pagmamalasakitan, pagdadamayan ay hindi nangyayari at nadarama. 

DAHIL MARAMI SAATIN AY SARADO ANG TAENGA SA MGA KAPATID KAY KRISTO DAHIL SA KAWALANG PAG-IBIG.

wag mong sabihin that you walk in love pero hindi ka nagmamalasakit na dalhin ang pasan ng kapatid kay Cristo. 

Wag kang maging bingi sa oras na ikaw ay sabihan ng mga bigatin, problema, at suliranan ng mga kaptid kay Kristo, bagkus ikagalak mo ang bagay na ito sapgkat gagawa ka ng isa sa mga kalooban ng Dios, ito ay dalhin ang pasan ng iyong kapatid kay kristo, at di lamang ito kundi ikaw ay magiging bahagi ng katawan ni Kristo. 


BE WILLING AND AVAILABLE TO HEAR THE BRETHREN. BE EARS OF THE LORD JESUS CHRIST. 
Sulat para sa aking mga kapatid,
Ang panalangin ko sa Panginoong Hesus tungkol sa bawat isa saatin, ay nawa bawat isa saatin ay magkaroon ng taenga na handang makinig sa ating mga kapatid sa mga huling araw na ito. 

Na ang bawat isa ay maging sensitibo sa turo ng Banal na Espiritu. Upang lahat ay maging pagpapaa sa kanila na may bigatin at suliranan. 

Ipinamamanhik ko ang dugo ng Panginoong Hesus ay tumakip at mag-ingat sa atin saaman tayo pumaroon.
Sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen



Post a Comment

0 Comments