Ikaw ba na Kristiyano ay nangangailangan sa Panginoong Hesus?
Lahat ng nasa Panginoong Hesus ay kailangang kailangan natin.
Ang buhay, hininga, biyaya, awa, kahabagan kagandahang loob, kaligtasan, at marami pang iba.
Walang bagay na nasa Dios na hindi natin kailangan.
We cannot live without Jesus!
Kung ikaw ay Kristiyano na may matinding pangangailangan sa Dios, ikaw ay magsabi ng AMEN!
ALAMAMIN MO ITO KRISTIYANO: "IKAW NA NAGSASABING KAILANGAN MO ANG DIOS, AY DAPAT MONG MALAMAN NA IKAW DIN AY KAILANGAN NG DIOS."
KAILANGAN KA NG DIOS.
Dapat mong malaman ang 5 bagay na ito bilang ikaw ay isang Kristiyano:
1. Hindi ka naging Kristiyano para ikaw ay manatili lamang tagapakinig at tagaUpo sa loob ng Iglesia.
2. Hindi ka naging Kristiyano upang ikaw ay manatili na hinihele ng iglesia
3. Hindi ka naging Kristiyano para ikaw ay manatiling "ganyan" lamang kung anong kalagayan mo sa kasalukuyan.
Hindi inaasahan ng Diyos na sinoman saatin na tinatawag na Kristiynao ay manatili sa ating kalagayan sa kasalukuyan. Tagapakinig, tagaUpo, tagaHintay ng paglago ng iglesia ngunit walang ginagawa. Mga kristiyano ang gusto ay laging hiniehele ng mga kapuwa kapatid kay Kristo.
ALAMIN: ANG SINOMANG MGA KAPATID KAY KRISTO NA NAROON SA KALAGAYANG NABANGGIT AY HUWAG UMASANG MAY MABILIS NA PAGLAGO.
4. Hindi ka tinawag na KRISTIYANO upang ikaw ay manatiling PINAGWAWAGIAN parin ng mga kapatid kay Kristo.
5. Hindi ka tinawag na KRISTIYANO upang hanggang sa mga panahon na ito ay PINAGWAWAGIAN KA PARIN NG PANGINOONG HESUS CRISTO.
Ikaw ay tinawag na KRISTIYANO dahil tapos ka nang PAGWAGIAN NG MGA KRISTIYANO at higit sa lahat ang iyong kaluluwa ay PINGAWAGIAAN NA PARA KAY KRISTO.
It is the time na ikaw naman ang gumawa para kay Kristo. AGAIN, KAILANGAN KA NG PANGINOONG HESU-CRISTO!
KAILAN KA BA KAILANGAN NG PANGINOONG HESUS? Hindi sa susunod na panahon, hindi bukas na, hindi sa kung kailan mo gusto at kung kailan ka nahahanda, KUNDI KAILANGAN KA NG PANGINOONG HESUS NGAYON!
KAILAN? NGAYON!!
Sa pagkaalam mo ng bagay na ito, "KAILANGAN KA NG PANGINOONG HESUS" ano ang magiging tugon mo?
May sagot ba? o hindi pa nagsi-sink-in saatin ang mga salitang "KAILANGAN AKO NI KRISTO"
GOD NEEDS YOU.
Kung hahayaan lamang nating tignan, pagtuonan ng pansin ang Iglesia at ang kabuoan ng Iglesia, masasabi mong MARAMING GAWAIN.
TOTOO, MARAMING GAWAIN. AT SA SOBRANG DAMING GAWAIN, HINDI PO ITO KAYA NG ISA, DALAWA O TATLONG MEYEMBRO NG IGLESIA.
KAILANGAN ANG PAGKILOS NG KABUOANG IGLESIA.
1 CORINTO 12:27 "Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya."
Lahat tayo ay tinawag at tinatawag na KRISTIYANO ay mayroong bahagi sa katawan ni KRISTO.
Bahagi sa katawan ni KRISTO NA MAY PAGKAGAMIT. LAHAT AY MAY MAY PAGKAGAMIT. LAHAT AY PRODAKTIBO.
Kaya tigilan na natin ang salitang "hindi saakin sinabi yan ng Dios, hindi ako ang pinagkatiwalaan dyang Dios, at mga bagay na tulad nito!" - tigilan na natin ang pagiging Moises sa panahon ngayon!
Wala dapat na lalaki o babaeng Moises sa loob ng Iglesia ni Kristo sa panahon ngayon! Ano bang ginawa ni Moises sa harapan ng Dios. READ EXODUS 3-4. MARAMING IDINAHILAN SI MOISES SA DIOS.
TANDAAN: MARAMI KANG MAIDADAHILAN SA DIOS, NGUNIT MARAMING SOLUTION ANG DIOS SA MGA DAHILAN MO. kaya ang ending, you still have a part in the body of Christ, whether you like it or not!.
Dahil marami ang sangkap ng katawan ni Kristo tulad sa sinasbi sa 1 Corinto 12:14 "Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami."
Dahil sa hindi kakaunti ang bahagi ng katawan ni Kristo, ang Iglesia ay hindi nangangailangan ng KAUNTING MANGGAGAWA KUNDI ITO ay nangangailangan ng MARAMING TAGA-GAWA. MARAMING MANGAGAWA.
ANO-ANO BA ANG SANGKAP NG KATAWAN NI KRISTO NA DAPAT AY KABAHAGI KA NGAYON?
1. BIBIG
Kayo ba ay naniniwala na kaya ng Dios gawin ang lahat ng bagay?
Ngunit, maging maliwanag din sa atin na kayang gawin ng Panginoon na maligtas ang lahat ng tao, sa TULONG NG BAWAT ISA SAATIN.
ROMA 10:14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?
Paano nga ang mga tao ay magsisipaniwala sa Dios na iyong pinaniniwalaan, kung walang bibig na magsasalita patungkol sa Panginoong Hesus?
Paano nila makikilala ang Panginoong Hesus kung walang magbabahagi ng salita ng Dios sa kanila na nagpapatungkol mismo sa Dios?
Paano sila sasamapalataya sa Panginoong Hesus kung walang magbabahagi ng salita ng Dios?
YAMANG ANG PANANAMPALATAYA AY NANGAGAGALING SA PAKIKINIG ROMA 10:17
Maaring sabihin ninyong ang bibig ay ibinigay para sa mga namamahala sa Iglesia upang sila ay magbahagi ng salita ng Dios.
At maging tanong nyo din ang tanong sa...
Roma 10:15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo?
ALL OF US ARE CHOSEN BY GOD TO PREACH THE GOSPEL TO ALL NATIONS.
Marcos 16:15 At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
Ito ay tinuturing na GREAT COMMISSION na ibinigay ng Panginoong Hesus sa lahat ng sasamapalataya sa Kaniya.
COMMISSION IS AN INSTRUCTION, COMMAND, AND DUTY GIVEN TO A GROUP OF PEOPLE.
CHRISTIANS ARE A GROUP OF PEOPLE THAT GOD SENT TO DO THE GREAT COMMISSION.
At ikaw na binibilang ang iyong sarili bilang Kristiyano ay kabilang sa sinugo ng Dios upang ibahagi ang salita ng Dios.
Bakit mo tinitikom ang iyong bibig? Yamang ikaw ay bahagi sa katawang ito ni Kristo? bilang ikaw ay Kaniyang bibig?
AYAW MO BA NA IKAW AY MAGING MOUTHPIECE NG DIOS?
THEREFORE BE A MOUTHPIECE OF GOD TODAY!
Luke 10:2 At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.
This verse was a parable of the Lord Jesus to His disciples.
(Kung ikaw ay nasa labas) Kung ititngin mo ang iyong mata sa paligid, ano ang makikita mo?
(Kung ikaw ay nasa loob ng iyong tahanan o saan man) itingin mo ang iyong mata sa binta nyo, ano ang nakikita mo?
Mga tao. Ano ang pangunahing kailangan ng tao? Pera? Material na bagay? HINDI. ANG PANGUNAHING KAILANGAN NG TAO AY ANG DIOS. PERIOD. THE END OF THE ROAD!
MAN DOEST NEED ANYTHING BUT THE LORD JESUS CHRIST ONLY.
Sinabi ito ng Panginoon, because He wants His disciple act double time. Gumawa ng nagmamadali!
Gumawa hindi sa susunod kundi ngayon! Bakit dahil nahahanda na ang mga aanihin, kung sa literal kapag ang isang bunga na nahahanda na upang anihin at hindi naani, anong mangyayari? Mabubulok at masisira, sa espirituwal, kapag ang kapanahunan nang pag-aani ay natapos na KAPAHAMAKAN ANG MANGYAYARI SA MGA TAO NA HINDI NAPAGWAGIAN.
HOW IMPORTANT IS THE IMMEDIATE ACTION? SUPER IMPORTANT.
At ikaw na Kristiyano, na hindi gagawin ang double time para maging bibig or mouthpiece ng Panginoon para iShare ang salita ng Dios, ay darating ang kapahamakan sa kanila na SANA ay napagwagian mo kay Kristo.
"Kakaunti ang manggagawa!" Masaya kaya na sinabi iyan ng Dios? Hindi.
Dahil alam Niya, men have limitation. Tayo ay mayroong limitasyon. Tulad ng sinabi ko kanina sainyo, ang ang gawain sa iglesia ay hindi kakaunti kundi marami at ito ay nangangailangan ng maraming manggagawa!
WE NEED THE WHOLE CONGREGATION TO MAKE IT. KAILANGAN ANG BUONG IGLESIA AY GUMAWA HUMAKBANG UPANG MAGING MOUTHPIECE NG DIOS.
ANONG MASASABI MO?
Wag nawang makarinig saatin ang Dios ng MOISES. Kundi ang gustong marinig ngayon ng Dios ay isang ISAIAH.
ISAIAS 6:8 At narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako.
"kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin." - ikaw na nanalangin patungkol dito ay dapat maging oangunahin sa pagtupad nito, bakit? Hindi sapat ang oanalangin mo, kung ikaw mismo ay hindi magamit ng Dios sa oagwawagi ng kalukuwa.
While praying this, we must also do the job. Diba? Para ang Pangnioon ng ani, Lord of the Harvest will also do His job na ano? Magpadala ng manggagawa para sa mga nahahandang aanihin.
Minamahal,
Mat 28:19 — Mat 28:20
Go ye therefore, and teach all nations, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Ghost: Teaching them to observe all things whatsoever I have commanded you: and, lo, I am with you alway, even unto the end of the world. Amen.
Juan 15:16 Ye have not chosen me, but I have chosen you, and ordained you, that ye should go and bring forth fruit, and that your fruit should remain: that whatsoever ye shall ask of the Father in my name, he may give it you.
Tagalog: 16 Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.
Ang bunga natin ay ang mga tao na mapagwawagian natin para kay Kristo.
Anong bunga mai-pre-present natin sa Dios kung di tayo bumabahagi sa katawan ni Kristo upang maging Kaniyang Bibig?
Kung sasabihin sayo ng Dios ngayon ang mga salitang "humayo ka, at maging aking bibig upang ibahagi ang Aking mga salita sa lahat ng tao"ano ang isasagot mo?"
Inuulit ko, kailangan ka ng Dios ngayon!.
PURIHIN NATIN ANG DIOS.
Dalangin ko sa Pangalan ng Panginoong Hesus, na bawat isa saatin ay makabahagi at bumahagi sa katawan ni Kristo sa mga hiling araw ma ito.
Makita nawa ng bawat isa saatin na ang Panginoong Hesus lamang ang siyang kailangan ng ating buhay.
At sa mga huling araw na ito, tayo ay magamit bilang bibig ng atin Panginoong Hesus.
Sa pangalan ng Panginoong Hesus, Amen.
0 Comments